^

Bansa

Marina chief pinasisibak!

Mer Layson at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ng mga empleyado ng Maritime Industry Authority (MARINA) kay Pangulong Duterte na sibakin sa puwesto ang kanilang hepe na si Marcial Amaro dahil sa umano’y 11 biyahe o junkets nito sa ibang bansa.

Sa reklamo ng Alliance of MARINA Employees kay Pangulong Duterte, inakusahan ng mga ito si Amaro na ‘absentee administrator’ dahil pala­ging wala ito sa kanyang opisina dahil sa kanyang mga foreign travel.

Magugunita na ipinagbawal na mismo ni Pa­ngulong Duterte ang foreign travel sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno gamit ang public funds.

Dahil dito, sinabi ni United Filipino Seafarers (UFS) president Engr. Nelson Ramirez, na dapat ding imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang umano’y kwestyunableng mga biyahe sa abroad ni Amaro o kaya’y patalsikin tulad ng ginawa ng Pangulo kina Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chief Terry Ridon at mga commissioners nitong sina Melissa Aradanas, Joan Lagunda, Manuel Serra Jr. at Noe Indonto, gayundin ang pagsibak kay Development Academy of the Philippines (DAP) president Elba Cruz.

“I am not surprised by these accusations. Noon ko pa ito napapansin dahil every time na kailanganin natin siya for consultation, eh nasa ibang bansa daw siya sabi ng mga staff niya for official trips. Are all of these are official junkets?” tanong ni Ramirez.

Binigyang-diin ni Ramirez na hindi tamang iwanan ni Amaro ang kanyang pinamumunuang ahensya dahil sa mga walang kwentang seminar sa ibang bansa, sa gitna ng lugmok na kalagayan ng maritime industry na nitong bago mag-pasko ay nagkaroon pa ng trahedya sa karagatan na ikinamatay ang anim na katao.

“Bilang isang maritime nation, umaasa tayo sa ating malawak na karagatan para maibiyahe ang mga pangunahing panga­ngailangan ng matiwasay. We also depend to our seafarers who were then the most sought after seafarers in the world. Pero paano ito mangyayari kung ang namumuno sa MARINA ay nawawala dahil nasa ibang bansa? Kanino sila lalapit kung wala ang kapitan ng barko?” sabi ni Ramirez.

Nabatid na ang sulat ng Alliance of Marina Employees ay natanggap ng Office of the President nitong December 22, 2017.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with