MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang taglay na karisma sa mga bata, matanda at lalo na sa mga kababaihan, itinuturing na “rockstar” ngayon ng mga Pinoy sa ASEAN Summit 2017 si Canadian Prime Minister Justin Trudeau matapos na pagkaguluhan sa lahat ng lugar na kanyang mapuntahan.
Nauna nang pinagkaguluhan si Tradeau nang mapadaan upang umorder ng chickenjoy at strawberry float sa Jolibee sa North Harbour sa Manila kung saan “game” na nakipag-selfie sa mga crew, staff at mga kustomers.
Kahapon kasama ni Trudeau si Canadian Ambassador to the Philippines John Holmes upang tingnan ang isang lokal na jeepney sa labas ng Peninsula Manila sa Makati.
Kasunod nito, ininspeksyon ng CanAdian PM ang isang e-jeep na may sakay na isang babaeng person with disability (PWD) na kanya pang kinausap.
Nakipagkita pa si Trudeau kina National Council on Disability Affairs Executive Director Carmen Zubiaga at Phl Transportation Sec. Arthur Tugade sa ginawang inspeksyon sa latest model ng City Optimized Managed Electric Transport (COMET) 3 electric jeepney na maaaring magsakay ng PWDs.