MANILA, Philippines — Patuloy na nagbabanta ang isang low pressure area (LPA) sa Catanduanes.
Kahapon ng umaga, ang LPA ay namataan ng Pagasa sa layong 525km silangan timog silangan ng Virac, Catanduanes. Dulot nito, patuloy na uulanin sa Bicol region, Eastern Visayas, Cagayan Isabela at Quezon province .
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng National Capital Region, makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may paminsan minsang pag ulan laluna sa bandang hapon dahil sa localized thunderstorm.
Maaliwalas hanggang sa katamtaman naman ang alon sa mga karagatan sa bansa.