^

Bansa

Show of force ng pro at anti-Duterte

Ludy Bermudo at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Show of force ng pro at anti-Duterte

Nagmartsa patungong Mendiola ang mga anti-Duterte protesters sa paggunita kahapon ng ika-45 taong ani­bersaryo ng Martial Law. (Edd Gumban)
 

MANILA, Philippines — Sabay na nagpakita ng pu­wersa ang libu-libong pro at anti-Duterte protesters sa idinaos na “National Day of Protest” kahapon kasabay ng ika-45 taong anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law sa bansa.

Sa monitoring ng PNP bandang alas-3 ng hapon ay nasa 12,000 ang mga pro-Duterte sa Plaza Miranda at nasa 3,000 naman sa Mendiola.

Ang mga taga-suporta ni Duterte ay kinabibilangan ng 12 grupo mula Valenzuela, Malabon, Olongapo, Caloocan at grupong DDS Metro Manila, I am Duterte Humanitarian Group, Kilusang Pagbabago at marami pang iba na sumakay sa libreng bus.

Nabatid na inokupa ng mga pro-Duterte ang kahabaan ng Rotonda at compound ng University of the Philippines sa Quezon City; kahabaan ng España Boulevard sa harapan ng UST at maging sa Mendiola; Nagtahan Bridge, Liwasang Bonifacio at Plaza Miranda sa Maynila.

Karamihan sa mga pro-Duterte ay nakasuot ng kulay orange na t-shirt at sombrero.

Nasa 5,000 naman ang mga anti-Duterte protesters ang nasa kabilang bahagi ng Mendiola malapit sa Palas­yo ng Malacañang at nasa 8,000 sa Luneta.

Pumosisyon ang anti-Duterte rallyists sa Luneta bitbit ang mga placards na bumabatikos sa mga umano’y paglabag ng pamahalaan sa mga karapatang pantao tulad ng extra judicial killings kaugnay sa war on drugs at mala-diktaduryang pamamalakad maging ang paglalagay sa martial law sa Mindanao.

Nanawagan din ang mga anti-Duterte na hindi na maulit pa ang batas militar sa bansa.

Ibinunton ng mga ralista ang kanilang galit sa pagsusunog sa “Duterte’s Cube o Rody’s Cube” na gawa ng Ugat-lahi artists group na may larawan din ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kaugnay nito, inihayag ni PNP chief Gen. Ronald dela Rosa na nag-negatibo ang intelligence report na natanggap ng pulisya sa anim na barko na sinasakyan ng mga raliyista mula Visayas at Mindanao na patungo sa Metro Manila para lumahok sa kilos protesta laban kay Pangulong Duterte.

“It turned out negative. We went and verify it with shipping agencies and there is no such movement. Accordingly, they told us that the volume of their passengers is normal,” ani dela Rosa na ipinalalagay na nagsiatras ang mga raliyista.

Nakatanggap din sila ng report na nasa 50 dyip na umano’y rerentahan ng mga ralista ang walang sumakay na mga lalahok sa demonstrasyon sa Mendiola at Luneta.

“So far, we have not monitored any violence. There are groupings, there is even a report to me that there is one group in the south which readied 50 jeepneys loaded with 50 drivers and no one else. No passengers,” pahayag ni dela Rosa.

“I pity those who financed the jeep, they paid for the rent, and yet no one boarded,” anang Chief PNP.

Iginigiit ng sektor ng mga jeepney ang matindi nilang pagtutol sa jeepney phaseout.

Kinabibilangan din ng grupong Lumads o Moro, ilang kilalang indidbidwal at religious leaders, mga pulitiko partikular ang mga dating kongresista at kasalukuyang nakaupo, mga estudyante ng iba’t ibang unibersidad at kolehiyo ang dumalo sa Luneta.

Alas 8:00 ng gabi ay sabay-sabay na nagpatunog ng kani-kanilang dalang bells, cellphones, at iba pang gadget para makiisa sa ikinasang nationwide na pagkalampag ng mga kampana ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with