MANILA, Philippines - Lumakas pa ang bagyong Jolina habang nagbabantang mag-landfall sa lalawigan ng Aurora.
Sa latest bulletin ng Pagasa, umaabot na sa 80 kilometro kada oras ang dalang hangin ng bagyo at may pagbugsong 95 kph.
Huli itong namataan sa layong 210 km timog silangan ng Casiguran, Aurora. Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 19 kph.
Dahil dito, nakataas na ang tropical cyclone signal no. 2 sa mga lalawigan ng Isabela, Northern Aurora, Quirino, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Sur, Benguet, Abra, La Union at Nueva Vizcaya.
Signal no. 1 naman sa Cagayan kasama na ang Babuyan group of islands, Apayao, nalalabing bahagi ng Aurora, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Pangasinan, Northern Quezon kabilang na abg Polillo island, Catanduanes, Camarines Norte at Camarines Sur.
Pinag-iingat ng Pagasa ang mga residenteng naninirahan sa mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 2 at 1 dahil sa posibleng flashfloods at landslides.
Inaasahang tatagal ang bagsik ni Jolina sa bansa hanggang sa araw ng Martes.