^

Bansa

Construction site inatake ng NPA, 2 heavy equipments sinunog

Raymund Catindig at Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Muli na naman sumalakay ang mga rebeldeng New People’s Army sa isang construction depot na pag- aari ng pamilya ng isang Mayor at isang Hydro plant project at doon nagsunog ng dalawang heavy equipments sa magkahiwalay na insidente sa Echague, Isabela noong Biyernes.?

Sa report na nakara­ting kay Isabela Police Dir. Sr.Supt Reynaldo Garcia kinumander ng anim na NPA, isa dito ay amasona, ang operator na si Dominador Bergara,48, na dalhin ang payloader sa abandonadong bahagi ng Brgy. Bacradal. ?

Ayon sa report sinunog ng mga rebelde ang payloader matapos buhusan ng limang lit­rong gasolina dakong alas-4:30 ng umaga. ?Isa sa mga armado ang nagpaumanhin pa kay Bergara sa wikang ilokano na nagsabing “napag utusan lamang kami.”?

Ang payloader ay pag-aari ng Brostan Construction and Deve­lopment Corporation ng pamilya ni Santiago City, Isabela Mayor Joseph Tan.

?Naunang sinunog ng hiwalay na grupo ng rebelde ang drilling machine ng isang hydro power plant project sa Barangay Benguet na sinasabing kasosyo rin ng Brostan. ?

Noong Marso ay sinunog din ng mga NPA ang isang backhoe ng Brostan sa Maddela, Quirino dahil umano’y hindi ito nakapagbayad ng “revolutionary taxes”.?

Anim naman na pulis ang namatay matapos lusubin ng mga NPA ang project site nito sa Brgy. Sta. Margarita sa Baggao, Cagayan noong Pebrero 2016.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with