MANILA, Philippines - Muli na namang nakopo ng Pilipino Star NGAYON (PSN) sa ikaapat na pagkakataon ang titulong Best Tabloid na iginawad ng Gawad Tanglaw kahapon.
Sa ginanap na awarding ceremony na idinaos sa Haribon Theather sa Insular Life Bldg. sa Alabang, Muntinlupa City, tinanggap ng Pilipino Star Ngayon ang ikaapat na parangal bilang Best Tabloid of the Year.
Unang nakopo ng Pilipino Star NGAYON ang “Best Filipino Newspaper of the Year” na ipinagkaloob ng Gawad Tanglaw noong Marso 7, 2013 sa awarding ceremony sa Colegio de San Juan de Letran Calamba sa Laguna na nasundan noong Marso 12, 2014.
Noong Pebrero 19, 2015, muling nakamit ang ikatlong titulo na “Best Filipino Newspaper of the Year” sa 13th Gawad Tanglaw sa Ernesto Palanca Crisostomo Hall of the University of Perpetual Help System DALTA sa Las Piñas City.
Umani ng popularidad ang Pilipino Star NGAYON dahil sa ginagamit nitong modernong Filipino language na naiintindihan ng intelihenteng masa kaya naman isa ito sa kinilala ng Gawad Tanglaw.
Siyam na kakaibang katangian ng PSN na hindi nakita sa ibang Filipino tabloid ang pinahalagahan ng Gawad Tanglaw.