Ceasefire sa impeachment hingi
MANILA, Philippines - “Impeachment ceasefire.”
Ito ang panawagan ni Quezon City Rep. Winnie Castelo sa mga tagasunod at kalaban nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo na kapwa nahaharap na sa impeachment sa Kongreso.
Ang panawagan ni Castelo ay bunsod sa magkasunod na impeachment complaint na isinampa ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Duterte at pagbabanta rin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng katulad na reklamo laban naman kay Leni Robredo.
Paliwanag ng Kongresista, ang pagpapa-impeach sa dalawang pinakamataas na lider ng bansa, magtagumpay man o hindi, ito ay walang patutunguhan at maaari lamang lumala at magdulot ng pagkakahati-hati sa bansa.
Iginiit din ni Castelo, na ang impeachment ay highly politically divisive at explosives process na magdudulot lamang ng malalim na sakit sa bansa sa halip na pagpapagaling sa umiiral ng sugat sa pulitika
Dahil dito kaya nanawagan ang mambabatas sa mga kaalyado ni Duterte at Robredo at mga kasama sa Kongreso na huwag magpatangay sa kanilang emosyon at hayaang manaig ang soberenya.
- Latest