MANILA, Philippines - Binanatan kahapon ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Archbishop Emeritus Oscar Cruz matapos niyang punahin ang lider ng Kamara na playing God sa trato sa mga kongresista.
Dahil sa umano ay pakikialam ni Archbishop Cruz kaya tinawag siya ni Alvarez na tabingi ang utak.
Bukod dito kinuwestyon ni Alvarez ang pakikialam ng Obispo sa kanyang trabaho partikular na ang paraan ng kanyang pamumuno sa Kamara.
Iginiit pa ni Speaker na dapat ay kumandidato na rin ang Obispo para hindi nakikialam sa polisiya ng gobyerno. Paliwanag pa nito,wala namang kinalaman sa batas ang utos ng diyos na huwag kang papatay.
Idinagdag pa nito na dapat pagsabihan muna ng Obispo ang ibang mga bansa tulad ng Amerika,China,Singapore, indonesia at Malaysia na mayroong death penalty bago banatan ang tinatalakay pa lamang sa kamara na panukalang death penalty sa bansa.
Ang pahayag ni Arcbishop Cruz, na playing god si Alvarez sa mga kongresista at kasunod ng pahayag ng lider ng Kamara na tatanggalin sa supermajority at puwesto sa liderato ang mga hindi boboto ng pabor sa death penalty bill.