Digong nag-sorry sa South Korean gov’t
MANILA, Philippines - Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korean government at sa pamilya ng Korean businessman na dinukot at pinatay sa loob mismo ng Camp Crame.
“To the Korean people, please accept our sincerest and deepest regrets. We wish to extend our condolences to the widow of the S. Korean national who died under police custody. We apologize to the SoKor gov’t for the death of Jee Ick-Joo,” pahayag ni Duterte sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Nakikiramay din si Pangulong Duterte kay Choi Kyung-jin, biyuda ng biktimang si Jee Ick-Joo dahil sa sinapit ng asawa nito sa kamay pa naman ng pulis.
Si Jee Ick Joo ay kinidnap sa Angeles City, Pampanga at pinatay umano ng grupo nina SPO3 Ricky Sta. Isabel noong Oktubre 18, 2016.
Bukod kay Sta. Isabel, ilang matataas na opisyal ng PNP ang idinadawit din sa krimen.
Siniguro naman ng Malacañang na makakamit ng Korean businessman ang buong bigat ng batas kasabay ang paniniguro na walang magaganap na white-wash sa imbestigasyon upang maparusahan ang mga sangkot sa pagkamatay ni Jee Ick-joo.
Ito’y matapos ang naging panawagan ng South Korean government sa mabilis na hustisya para sa kanilang mamamayan na pinatay.
- Latest