MANILA, Philippines - Pinababasura ni dating senador Jinggoy Estrada sa Korte Suprema ang kasong graft na isinampa laban sa kanya sa Sandiganbayan kaugnay ng plunder case na may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Sa kanyang petition for certiorari sa SC en banc, hiniling ni Estrada sa Korte na atasan ang Sandiganbayan 5th Division na ibasura ang kaso dahil na rin sa kawalan ng merito.
Naniniwala si Estrada na inabuso ng Sandiganbayan ang kanilang kapangyarihan nang balewalain nito ang kanyang kahilingan na idismis ang kasong graft matapos na maglabas ng resolution ang anti-graft court noong July 14, 2016 at October 4, 2016.
Kasama ni Estrada sa kasong plunder sina dating senador Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.