MANILA, Philippines – Pinangunahan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng kauna-unahang Mega drug abuse treatment and rehabilitation facility na itinayo sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija.
Ang drug rehab facility ay pinondohan ni Chinese billionaire Huang Rulun bilang suporta sa drug war ni Pangulong Duterte.
Ito ay itinayo sa 10 ektaryang lupain sa loob ng Fort Magsaysay.
Nag-donate si Rulun ng P1.4-B para sa pagpapatayo ng 2 drug rehab centers.
Ang 1st Phase ng proyekto ay kayang mag-accommodate ng 2,500 pasyente pero sa kasalukuyan ay mayroon pa lamang itong mahigit 30 pasyente.
Bukod dito, magtatayo din ng katulad na drug rehab center sa Visayas at Mindanao.
Kabilang sa mga magiging pasyente dito ay ang mga sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP.