Pagpupulong nina Duterte, Obama tuloy na

MANILA, Philippines – Matapos ang pag-atras ni United States President Barack Obama, sa huli ay matutuloy na rin ang nakatakda nilang pagpupulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Duterte na makikipagpulong pa rin siya kay Obama ngunit sa ibang petsa na at hindi sa una nilang itinakdang araw na sana ay bukas, Martes.

"The meeting between the United States and the Philippines has been mutually agreed upon to be moved to a later date," nakasaad sa pahayag na inilabas ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa kaniyang Facebook account.

BASAHIN: Obama ayaw nang makapulong si Duterte

Ikinalungkot din ni Duterte ang kaniyang naging pahayag kay Obama bago siya umalis patungong Laos na naging dahilan ng pagkakansela ng kanilang pagpupulong.

"While the immediate cause was my strong comments to certain press questions that elicited concern and distress we also regret it came across as a personal attack on the US president," dagdag niya.

Paliwanag ng Pangulo ay iginigiit lamang niya ang independent foreign policy at sa kabila ng mga nangyari ay umaasa siya na maaayos din ang mga ito.

"Our primary intention is to chart an independent foreign policy while promoting closer ties with all nations, especially the US with which we have a had a long standing partnership," ani Duterte.

BASAHIN: Obama, sino ba siya? - Digong

"We look forward to ironing out of difference arising out of national priorities and perceptions, and working in mutually responsible ways to both countries.”

 

Show comments