Sistema sa pagtatalaga ng DD, PD at COP baguhin na - Ping

MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Senado ang isang panukalang batas na naglalayong baguhin ang panuntunan sa pagtatalaga ng mga hepe at commanders ng Philippine National Police (PNP).

Sa panukalang batas na inihain ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, dapat nang ipaubaya sa hanay mismo ng PNP ang karapatan sa pagtatalaga ng mga opisyal upang hindi na maimpluwensiyahan ng iba pang grupo o indibiduwal na may ibang interes.

Sa umiiral na kalakaran, karaniwang nagkakaroon ng utang na loob sa isa’t isa ang isang politiko at ang naitatalagang hepe ng pulisya sa lugar nito kaya nakokompromiso ang mga responsibilidad, tungkulin at obligasyon ng magkabilang panig.

Sa ilalim ng panukala, malinaw kung sinu-sino lamang ang puwedeng makapagtalaga ng mga magiging pinuno ng pulisya sa isang partikular na lugar. Ang PNP regional director ay may kapangyarihan na magtalaga ng provincial/district director. Ang provincial o district director din ang bibigyan ng kapangyarihan na magtalaga ng hepe ng pulisya sa isang bayan o lungsod.

Ang mga hepe naman ng pulisya sa mga bayan at siyudad ay pipiliin ng provincial/district director mula sa listahan ng mga kuwalipikadong kandidato na inirekomenda ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board.  

 

Show comments