MANILA, Philippines – Sinisi ni incoming Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo ang media sa maling pag-uulat na naging basehan ng “maling perception” ni UN secretary general Ban Ki-moon na nag-akalang ine-endorso ni President-elect Rodrigo Duterte ang extra judicial killings sa Pilipinas.
Ayon kay Panelo, hindi sinusuportahan ni Duterte ang extra judicial killings kasunod ng pagbatikos ng UN sa pag-aakalang inendorso ng una ang pagpatay sa mga mamamahayag.
Wika ni Panelo, nakakalungkot na nagpalabas ng matinding statement ang UN chief laban kay Duterte na nanalo ng landslide sa nakaraang May 9 elections.
“Obviously, the UN secretary general believed the incorrect news reports that gave rise to such wrong perception. The President-elect has not endorsed, cannot and will never endorse extrajudicial killings they being contrary to law,” ayon kay Panelo.
Binigyang diin ni Panelo na kailan man ay hindi papayagan ni Duterte ang extra judicial killing at sa akusasyon na tila nanghihimok pa umano siya ng karahasan sa Pilipinas. Hindi rin umano niya papayagan ang pagpatay sa mga journalists o sino mang mamamayan.
Bilang pangulo, gagawin umano ni Duterte ang kanyang “constitutional duty” upang ipatupad ang batas.
“His utterances on media killings were reported incorrectly giving rise to the wrong perception that he was encouraging lawless violence. Consequently, he chastises media persons who practice irresponsible journalism,” ayon sa statement ni Panelo.
Iginiit pa na determinado ang President-elect na lipulin ang anumang uri ng krimen sa bansa alinsunod sa itinatakda ng Constitution.
“Under a Duterte presidency, the Bill of Rights as enshrined in the Constitution shall be in full bloom,” giit pa ni Panelo.
Agad na kinondena ng UN ang nagging pahayag ni Duterte na kaya napapatay ang mga mediamen dahil sa pagiging korap at bias.
“I am extremely disturbed by recent remarks by the President-elect of the Philippines, Rodrigo Duterte. I unequivocally condemn his apparent endorsement of extrajudicial killings, which is illegal and a breach of fundamental rights and freedoms,” ayon sa UN secgen.