MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagtutol ang grupong Karapatan at Selda sa planong paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay Marie Hilao-Enriquez, chairperson ng Karapatan at Selda (Samahan ng mga dating Political Detainees na karamihan ay nakulong noong panahon ng martial law), hindi pa maaaring mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil kahit kailan ay hindi pa humihingi ng tawad ang mga Marcoses.
“The Marcos family has not even apologized to the Filipino people for the plunder of the nation’s coffers during in the more than 20 years that they were in power. There is no remorse,” pahayag ni Enriquez.
“Burying Marcos, Sr. at the Libingan ng mga Bayani is what the Marcos family wants the most for it will pave the way to clear Marcos’ name from the numerous human rights violations he committed during Martial Law,”dagdag ni Enriquez.