^

Bansa

Presyo ng krudo, kuryente tataas

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Doble pasakit ang ma­raranasan ng publiko dahil sa inaasahang pagtataas sa presyo ng krudo at ga­solina sa darating na linggo habang nakatakda namang magtaas ng singil sa kuryente sa darating na buwan ng Hunyo.

Sa pagtataya ng mga oil industry experts, maa­aring umakyat ng hanggang P1 ang kada litro ng diesel habang P1.30 kada litro naman ng gasolina. Mula nitong Enero, nasa P2 na ang itinaas sa presyo ng gasolina habang P3 na­man sa diesel. Nitong Mayo 17, naglalaro sa P23.75-P28.60 ang presyo ng diesel habang nasa P35.15-P42.25 ang kada litro naman ng gasolina sa Metro Manila.

Samantala, inaasahan rin naman ang pagtaas sa singil sa kuryente makaraang aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang dagdag na P.065 na singil sa kada kilowatt hour sa kuryente.

Ipinaliwanag ni ERC spokesperson Florensinda Digal na ang dagdag-si­ngil ay mapupunta sa “dif­fe­rential ancillary ser­vice charge”. Ang “ancillary charges” ay mga bayad sa “back-up services” na hindi nakukumpletong bayaran mula 2008-2009.

Isinampa ng National Grid Corporation of the Phi­lippines (NCGP) ang petis­yon para sa dagdag singil noong Mayo 20, 2009 at nadesisyunan noong Marso­ 2, 2010 habang ngayon lamang 2016 maipatutupad.

“The 6.5 centavos represents the translation into peso per kwh of the total differential amount determined by the commission at P5.2 billion plus applicable VAT,” ayon kay Digal.  Ang naturang dagdag-si­ngil ay lilitaw sa electric billing sa Hunyo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with