Programa sa kalusugan, kabataan at kapayapaan palalawakin - Erice

MANILA, Philippines – Nangako si Liberal Party  Caloocan City 2nd District re-electionist Cong. Edgar Erice na kanyang pasisiglahin at palalawakin pa ang kanyang mga programa sa kalusugan, kapayapaan, para sa mga nangangailangan at kabataan.

Sa ilalim ng programang pangkalusugan, nakapagbigay ng may P40 milyong tulong medical sa 20 libong residente para sa pang-ospital, pambili ng gamot at pambayad sa dialysis at chemotherapy.

Mahigit sa 100 medical mission sa bawat barangay kung saan 30 libong mamamayan ang natulungan sa pamamagitan ng konsultasyon, gamot at wheelchair, operasyon para sa katarata at nagkaloob din ng may 5 libong libreng reading glasses.

 Naglagay ng 34 CCTV sa buong siyudad,nagbukas ng hotline para maitimbre ang mga drug pushers at users.

Show comments