Tolentino pasok sa ‘Magic 12’

MANILA, Philippines – Pasok si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa Magic 12 sa Pulso ng Pilipino survey na ginawa kamakailan ng Issues and Advocacy Center.

Sa survey na ginawa mula April 1-7 na may 1,800 respondents, katabla ni Tolentino sina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Martin Romualdez sa ika-11 hanggang ika-13 puwesto.

Nakakuha si Tolentino ng 32 percent rating, kung saan 32 percent siya sa National Capital Region, 37 sa Luzon, 29 sa Visayas at 29 sa Mindanao.

Maliban sa Pulso ng Pilipino survey, umangat din si Tolentino sa nakaraang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa ika-14 puwesto na ?may 24 percent.

Ayon pa sa SWS, ka­bilang si Tolentino sa lu­ma­laban para sa ika-8 hanggang huling puwesto sa senatorial race.

Kumpiyansa naman si Tolentino sa kanyang tsansa, lalo pa’t patuloy ang kanyang pag-angat habang papalapit ang halalan.

“Natutuwa tayo na habang papalapit ang halalan ay umaangat tayo sa survey. Ito’y patunay lang na tumatatak sa mga botante ang ating mensahe,” wika ni Tolentino, na inindorso rin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang senador.

Show comments