Replacement ballot aprub sa Comelec

MANILA, Philippines - Maari nang mabigyan ng replacement ballot ang isang botante sa araw ng eleksyon. 

Ito ay kung hindi naman kasalanan ng botante ang pagreject o hindi pagtanggap ng vote counting machine sa balota. Nakasaad ito sa Comelec Resolution No. 10088 o Amended General Instruction para sa mga miyembro ng Board of Election Inspectors. 

Pero kung may pagkukulang o pagkakamali sa panig ng botante, hindi na siya bibigyan ng panibagong balota. 

Ayon sa Amended Ge­neral Instructions, kapag ang balota ay hindi tinanggap ng makina kahit apat na beses na itong isinubo sa makina, ibabalik ang balota sa chairman ng BEI. 

Mamarkahan naman ng BEI chairman ang likod ng balota na rejected, at papipirmahan ito sa lahat ng BEI members. Ang mga rejected ballot ay ilalagay sa loob ng isang envelope na laan para sa mga rejected ballot.

Show comments