Ronnie Ricketts, 3 iba pa sinuspinde ng Ombudsman
MANILA, Philippines — Ipinasuspinde ng Sandiganbayan ngayong Biyernes si Optical Media Board (OMB) Chair Ronnie Ricketts at tatlo iba pang opisyal kaugnay ng kinakaharap nilang kasong graft.
Suspendido ng 90 araw sina Ricketts, OMB inspection head Manuel Mangubat, investigation agent Joseph Arnaldo at computer operator Glen Perez matapos i-release ang mga nakumpiskang pirated discs.
Nilabag umano ng apat na opisyal ng OMB ang Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Lumabas sa imbestigasyon na iniutos ni Ricketts ang pag-release ng 127 kahon at dalawang sako ng pirated DVDs, VCDs at video recorder matapos ang ginawang raid mg OMB sa Sky Marketing Corporation sa Quiapo, Manila noong Mayo 2010.
Dagdag ng ulat ng Ombudsman na mismong trak pa ng Sky High ang kumuha ng mga nakumpiskang mga pirates discs at wala itong gate pass nang pumasok sa OMB.
Nauna nang naglabas ng hold departure order ang Sandiganbayan laban kina Ricketts, Mabngubat, Arnaldo at Perez.
- Latest