Motorbike rider todas sa AUV

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider matapos itong mabundol ng AUV sa Barangay Mayamot, Antipolo City sa Rizal kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P02 Jun Duaso ng Antipolo Traffic Bureau, dakong alas-6 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Sumulong Highway sa nasabing barangay.

Nabatid na nagmomotorsiklo ang biktimang si Reno Marquez y Sereneo nang mabangga ito ng Toyota Tamaraw FX (TRN-461)  na minamaneho ni Amelito Masaya ng Barangay Masinag sa Antipolo City.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ng ilang metro ang biktima habang sumuko naman sa mga awtoridad ang driver ng AUV.

 

Show comments