EDCA constitutional! - SC

MANILA, Philippines - Naaayon sa Saligang Batas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, ayon sa Korte Suprema ngayong Martes.

Sa botong 10-4 ay sumangayon ang mataas na hukuman na walang nilabag sa Saligang Batas ang kasunduan ng dalawang matagal nang magkaalyadong bansa.

Sa ilalim ng EDCA ay pinapayagan ng Pilipinas na makapasok sa bansa ang mga tropang Amerikano.

Naniniwala ang dalawang panig na kapwa makabubuti ito para sa kanila.

Show comments