MANILA, Philippines – Pinuri ng isang Obispo ng Simbahang Katoliko ang ginawang pagpapatawad o pagpapalaya ng bilanggo sa Qatar habang hinikayat naman si Pangulong Aquino na gayahin ang ginawa ng lider ng nasabing bansa.
Nabatid na 10 OFWs na kinabibilangan ng isang babae at 9 na lalaki ang nabigyan ng clemency ng pamahalaan ng Qatar sa kanilang national day.
Sinabi ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, tugon aniya ito sa 7-corporal works of mercy at pagpapalaya sa mga bilanggo ng Emir o ng Muslim leader sa Qatar na si Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani, sa panahong ito ng Jubilee Year of Mercy.
“On this jubilee of mercy we experience acts of mercy and compassion. Lives have been spared from punishment. Lives have been saved. Our Church is grateful to the benevolent actions of Emir Sheikh Tamim bin Hamad al Thani. We appreciate the kindness and charitable pardon of Qatar to our 10 OFWs,” ani Santos.
Kaugnay nito, iginiit ni Santos na igawad na rin ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagpapalaya sa mga matatandang bilanggo at maysakit sa ating sariling bansa.
Nanawagan din siya na ipatigil ang mataas na terminal fee sa mga balikbayan boxes at ang hindi pa rin umano natitigil na tanim/laglag bala scam.