^

Bansa

PPCRV sa Comelec, PNP: ‘Walang kikilingan sa gun ban’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Pa­rish Pastoral Council for Responsible Voting na dapat ipatupad ng Philippine National Police ang naunang panawagan ng Commission  on Elections (Comelec) na “total election gun ban” ng walang kinikilingan.

Ayon kay PPCRV Chairperson Henrietta de Villa, hindi magiging epektibo ang pagpapatupad ng gun ban kung may papanigan at pagbibigyang indibidwal.

Sinabi ni de Villa na una na silang naghain ng mungkahi sa Comelec ng ‘Gun Ban Without Exemp­tion” kung saan mas maiiwasan at mababawasan ang insidente ng karahasan kung mas magiging mahigpit o ipatutupad ng Comelec at PNP ang kamay na bakal sa “gun ban”.

Nakatakdang ipatupad ng Comelec sa pangunguna ng PNP ang election gun ban bukas, Enero 10 hanggang Hunyo 8, isang buwan matapos ang halalan.

Batay sa Republic Act No. 7166, mandato ng Commission on Elections ang pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa na malayo sa kaguluhan at karahasan.

Samantala sa tala ng PNP, umabot sa 81 ang kaso ng election-related violence sa buong bansa noong 2013 habang naitala naman ang 176 na kaso ng karaha­san kaugnay ng halalan noong 2010.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

CHAIRPERSON HENRIETTA

COMELEC

GUN BAN WITHOUT EXEMP

NBSP

PASTORAL COUNCIL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REPUBLIC ACT NO

RESPONSIBLE VOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with