10 Pinoy binigyan ng clemency sa Qatar
MANILA, Philippines – May 10 overseas Filipino workers na nakapiit sa Doha, Qatar ang makakalaya na matapos na mabigyan ng clemency.
Ayon sa DFA, iniutos ni Emir Sheik Tamim bin Hamad Al Thani na bigyan ng clemency ang 10 Pinoy na binubuo ng 9 na lalaki at isang babae sa kasagsagan ng okasyon ng Qatar National Day na ipinagdiriwang kada Disyembre 18.
Nabatid na karaniwang nagbibigay ng pardon dalawang beses kada taon ang Emir, ang isa ay sa tuwing sasapit ang banal na buwan ng Ramadan.
Sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Doha, ang mga mapapalad na nabigyan ng clemency ay ang mga inmates na naisilbi na ang ilang bahagi ng kanilang sentensya.
Nasa proseso na umano ngayon ang Embahada sa pag-aayos ng repatriation o pagpapauwi sa 10 Pinoy.
- Latest