2016 magdadala nang bagong pag-asa - survey
MANILA, Philippines – Nakararami pa rin sa mga Pilipino ang sasalubong sa bagong taon na may natatanaw na pag-asa.
Ayon sa ginawang survey ng Pulse Asia, 89 percent sa 1,800 respondents ang umaasa sa magandang ihahatid nang 2016.
Habang 11 percent ang nagsasabing “with or without hope,” at one percent lamang sa mga sumagot ng “without hope.”
Ang mga respondents ay nilahukan ng mga nasa 18-anyos at pataas ang edad na mga above registered voters.
Ginawa ang Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia noong December 4-11, 2015.
Nakasaad din sa survey na, 89 percent sa Luzon ang bomoto sa kategoryang “with hope”; 85 percent mula sa Visayas at 88 percent naman sa Mindanao.
Ang naitalang record sa “without hope” ay mula naman sa Visayas.
- Latest