BDO Private Bank umani ng parangal mula sa Global Finance

MANILA, Philippines – BDO Private Bank (BDOPB), ang private banking arm ng BDO Unibank na sumasak­law at nagbibigay serbisyo sa mga bigatin at high net worth clients ng bangko ay kinilala bilang isa sa world’s best sa katatapos na Best Private Bank Awards 2015 na isinagawa ng Global Finance magazine.

Sa isang pahayag, sinabi ng US-based publication: “These awards provide an independent analysis of those firms that offer the deepest experience, best value and highest level of customer service within the private banking realm”.

Ang BDOPB na may trust asset at deposit na umabot sa P304 bilyon nitong Setyembre 2015, ay ang kaisa-isang domestic private bank na may malawak na produkto at serbisyo na tumutulong sa mga kli­yente na isakatuparan ang pagpapalago ng kanilang ari-arian, paunlarin ang negosyo, pagyamanin, proteksyunan at maayos itong maipamahagi. Ang kanilang serbisyo ay naaayon sa kung ano ang nais ng bawat kliyente.

Dahil nangunguna ang BDOPB sa industriya ng private banking sa bansa, madalas kilalanin ng mga financial publications gaya ng Euromoney, Alpha Southeast Asia, Finance Asia at The Asset ang mga inisyatibo ng bangko.

Show comments