Regular flight ng PAL pa-Doha bubuksan
MANILA, Philippines - Inianunsyo kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatakda nang buksan ng Philippine Airlines (PAL) ang regular na flight o biyahe nito na Manila-Abu Dhabi-Doha sa Marso 28, 2016.
Ang balita ay personal na ipinarating kay Philippine Ambassador to Qatar Wilfredo C. Santos ni V. Sivaramakrishnan (Ram) ng GSA-Space Travel, ang lokal na partner ng PAL sa Doha.
Nabatid na ang Manila-Abu Dhabi-Doha flights (PR 656) ay itinakda kada Lunes, Martes, Biyernes at Sabado. Aalis sa Manila ng 12:30 ng madaling-araw at darating sa Doha ng alas-8:15 ng umaga.
Ang Doha-Abu Dhabi-Manila flights (PR 657) ay kada Martes, Miyerkules, Biyernes, Sabado at Linggo. Ang departure sa Doha ay alas-10:05 ng umaga at darating sa Manila ng alas-3:50 ng umaga sa kasunod na araw.
Ang PAL flights ay darating at aalis mula NAIA Terminal 2.
“I am pleased that PAL is finally offering Doha flights which will widen the options of our kababayans going to the Philippines and Qatar. I look forward to partnering with PAL in strengthening our tourism promotion and increasing people-to-people exchanges between the Philippines and Qatar,” ani Ambassador Santos sa kanyang statement.
Inaasahan na dadalo ang mga PAL officials sa launching o inaugural flight sa susunod na taon sa Qatar.
- Latest