Pagproseso sa EMS sisimulan ngayon
MANILA, Philippines – Isasagawa na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang initial loading ng mga pangalan ng mga kandidato sa kanilang Election Management System (EMS).
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nangangahulugan lamang na wala pa umanong aktwal na listahan ng mga kandidato na ilalabas ngayon ang Comelec.
Kasama rin umano sa ipapasok sa EMS ang 54 million na botante na may biometrics.
Nilinaw ni Jimenez na makakasama lamang sa initial loading sa EMS ang mga kandidato na walang nakabinbing protesta ang kandidatura, o kung may protesta man ay wala pang pinal na desisyon partikular na iyong mga umapela pero wala pang desisyon ang Comelec En Banc o Korte Suprema.
Sa pamamagitan din ng EMS, mailalatag ang aktwal na bilang ng mga voting precincts at bilang ng mga botanteng boboto sa kada presinto sa Eleksyon 2016.
- Latest