MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan ng liderato ng Kamara ang isyu ng “suhulan” para maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay House Deputy Speaker Pangalian Balindong ng Lanao del Sur, naging makabuluhan ang naganap na party caucus sa Malakanyang bago ang Christmas break ng kongreso dahil nagkaroon ng pag-asa ang BBL.
Naniniwala ang mambabatas, na ito pa rin ang nalalabing susi sa kapayapaan sa Mindanao at responsibilidad umano ng mga mambabatas na ipagkaloob ito sa rehiyon ng Mindanao.
Bukod dito, ang ang BBL din umano ang magsisilbing legacy ng 16th Congress at matatandaan din kahit dekada mang taon ang lumipas.
Nanawagan ito sa kanyang mga kasamahan na tuparin ang kanilang responsibilidad at tingnan ang ibubunga ng BBL ng positibo.
Matatandaan na bago mag-Christmas break ang kongreso ay tinapos nito ang debate sa BBL.
Muli naman dadaan ito sa botohan sa second at 3rd reading sa pagbabalik ng Kongreso sa Enero 18 ng susunod na taon.