Mas magandang panahon aasahan

MANILA, Philippines – Mas magandang lagay ng panahon na ang aasahan ngayong araw sa malaking bahagi ng Luzon matapos ang mga pag-ulan at baha kahapon.

Ayon sa ulat ng PAGASA, hindi na gaanong makapal ang namataang ulap sa mga lugar na unang naapektuhan ng matinding buhos ng ulan.

Gayunman, may mga pag-ulan pa rin umanong aasahan sa Mindanao dahil sa nananatiling low pressure area (LPA).

Partikular na apektado nito ang SOCSARGEN at Zamboanga.

Huling namataan ang LPA sa layong 170 km sa hilagang silangan ng Zamboanga City.

Samantala, matapos ang paghina ng bagyong Onyok, wala na umanong nakikitang iba pang aktibong sama ng panahon ang PAGASA na hahabol sa taong 2015.

Sa kabuuan, nakapagtala ng 15 bagyo para sa taong kasalukuyan.

Show comments