Onyok napanatili ang lakas
MANILA, Philippines – Napanatili ni “Onyok” ang kanyang lakas at nagbabanta ngayon sa Caraga Region.
Ayon sa Pagasa, alas-10 ng umaga namataan ang sentro ni Onyok sa 625 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas na hanging nasa 55 kph at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 15 kph.
Itinaas na ang public storm signal no. 1 sa ?Surigao del Sur kabilang ang Siargao Island, Surigao del Norte, Dinagat Province, Misamis Oriental, Camiguin, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Compostela Valley at Bukidnon.
Ang tinatayang dami ng buhos ng ulan ay mula sa katamtaman hanggang sa matindi sa 100 km diametro ng bagyo.
Samantala, umaabot na sa halos P1 bilyon ang pinsala ng bagyong Nona sa agrikultura at imprastraktura sa mga lugar na sinalanta nito sa bansa.
Si Nona ay humina na at naging low pressure area na lang.
- Latest