^

Bansa

BBL ‘di pa isusuko

Gemma Garcia at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa handa si House Speaker Feliciano Belmonte na isuko at ipaubaya sa susunod na Kongreso at administrasyon ang pagpapatibay sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Belmonte, hanggang may nalalabing panahon ang 16th Congress ay hindi pa rin nito isusuko ang BBL.

Ito ay kahit aminado na ang Speaker na mahirap ng pagtibayin ang nasabing panukala dahil sa masyado ng masikip ang panahon ng kasalukuyang Kongreso.

Bukod dito iba rin umano ang bersyon ng BBL na nasa Senado subalit hiniling umano talaga ni Pa­ngulong Aquino na ilusot ang panukala sa ilalim ng kasalukuyang admi­nistrasyon kaya gagawin nila ang makakaya para dito.

Kaya ang target umano ng Kamara na desididong gawin ay tapusin ang interpellation period sa BBL sa linggong ito para pag resume ng sesyon sa Enero ay maisalang ito sa second reading.

Kaya sa loob umano ng natitirang tatlong linggong sesyon sa Enero bago ang campaign period ay sisikapin umano ng mga kongresista na tapusin din ang period of amendments sa BBL bagamat aminado din si Belmonte na mahaba at masalimuot ito.

Para naman kay Valenzuela Rep. Sherwin Gatcha­lian dapat ipaubaya na lamang sa 17th Congress ang pagtalakay sa BBL dahil mas realistic umano kung sa susunod na administrasyon ang nasabing panukala.

Duda rin si Gatchalian kung maipapasa ng Kamara ang BBL kahit sa Enero 2016 dahil na rin sa kakulangan ng oras.

ACIRC

ANG

BANGSAMORO BASIC LAW

BBL

BELMONTE

ENERO

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

KAYA

KONGRESO

SHERWIN GATCHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with