^

Bansa

Meralco, may taas singil ngayong Disyembre

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inianunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang plano nilang pagtataas ng singil ng kuryente ngayong Disyembre.
Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, magdaragdag sila ng P0.055 kada kilowatt-hour na singil sa kuryente.

Gayunman, mas mababa pa rin aniya ito kumpara sa dagdag noong December 2014

Paliwanag ni Zaldarriaga, ang dagdag singil ay bunga ng pagtaas ng generation charge ng P0.046. Ang generation charge ay ang binabayaran ng Meralco sa mga supplier ng elektrisidad.

Bukod sa generation charge, tumaas rin naman ang transmission charge ng P0.007, ang taxes ng P0.001 at ang iba pang bayarin ng P0.001.

 

ANG

AYON

BUKOD

DISYEMBRE

GAYUNMAN

INIANUNSYO

JOE ZALDARRIAGA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

PALIWANAG

ZALDARRIAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with