MANILA, Philippines – Umangal ang Malacanang sa patutsada ni Sen. Grace Poe na matrapik daw ang Daang Matuwid ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., 5-taong nakiangkas si Sen. Poe sa Daang Matuwid ni Pangulong Aquino kaya nga siya nanalo at naging no. 1 na senador noong 2013 elections.
Sinabi ni Poe na matrapik daw ang Daang Matuwid ni PNoy dahil nadiskaril ang tunay na hangaring genuine growth.
Nagtataka si Sec. Coloma kung bakit ngayon lamang binabatikos ni Poe ang Daang Matuwid ng Pangulo gayung 5- taon niyang pinupuri ito dahil sa nagbunga ng positibong pagbabago at sinuportahan ng mamamayan.
Ipinaalala pa ni Coloma kay Poe na noong 2013 elections ay nanguna ito sa senatorial elections dahil sa todo-suporta ng mga boss ni Pangulong Aquino ng iendorso siya nito.
Nagbago raw ang ihip ng hangin kay Poe nang kumandidato itong Pangulo at nangangako na kayang higitan pa ang mga nagawa ng Aquino administration subalit wala naman anyang inaalok na malinaw at konkretong alternative programs para makumbinsi ang mga mamamayan.