Petisyon na ideklarang nuisance ang pinalitan ni Duterte, ibinasura ng Comelec
MANILA, Philippines – Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes ang petisyon upang ideklarang nuisance candidate si Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) presidential bet Martin "Bobot" Diño.
Sinabi ng 2nd Division ng Comelec na nasa patakaran nila na maaaring iatras ang kandidatura ng isang kandidato at maghain ng kapalit.
“The petition to declare Martin B. Diño as a nuisance candidate is hereby dismissed for being moot and academic,” nakasaad sa desisyon.
“Accordingly, this Commission (Second Division) likewise grants petitioner’s motion to withdraw the petition.”
Nilagdaan nina Presiding Commissioner Al Parreno at Commissioners Sheriff Abas at Arthur Lim.
Iniatras ni Diño ang kaniyang kandidatura upang bigyang daan ang pagtakbo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang substitute.
Nakatakdang humarap sa Comelec si Duterte bukas upang manumpa bilang kapalit ni Diño.
Samantala, si Duterte ang nanguna sa isang commissioned presidential survey ng Social Weather Stations.
Nakakuha ng 38 percent si Duterte habang table sa pangalawa sina Bise Presidente Jejomar Binay at Sen. Grace Poe.
- Latest