Ayon sa 3 legal experts: Poe mabigat ang problema
MANILA, Philippines – Iisa ang naging opinyon ng tatlong legal experts sa pagsasabing mahihirapan si Sen. Grace Poe na baligtarin ang naging desisyon ng Commission on Elections kung saan siya diniskuwalipika sa pagtakbo nito sa 2016 elections.
Ayon kay election lawyer Romulo Macalintal, may basehan ang naging desisyon ng Comelec 2ndDivision lalo pa’t inamin ni Poe na anim na taon at anim na buwan pa lamang siyang naninirahan sa Pilipinas nang siya ay maghain ng kanyang certificate of candidacy noong May 2013 elections.
Hindi naman nakikita ni litigation lawyer Raymond Fortun na babaligtarin nina Comelec Commissioners Al Parreno, Arthur Lim, at Sheriff Abas na pawang mga miyembro ng Second Division ang diskuwalipikasyon.
“From experience, a unanimous decision is already an ominous sign. It is highly unlikely that these same commissioners would change their mind,” wika nya.
Sinabi naman ni poll lawyer Carlo Vistan na ang COC ni Poe noong 2013 ay maituturing na “admission against her interest” kaya’t imposible na nitong mabaligtad ang desisyon ng Comelec 2nddivision.
“In that sense it will be difficult for her to seek a reversal of the Comelec division’s ruling against her since the primary evidence is her own declaration that will contradict her 10-year claim,” dagdag nya.
Sa ruling ng Comelec, pinaboran nito ang petisyon ni Atty. Estrella Elamparo na nagkukuwestiyon sa residency ni Poe at nagsasabing hindi pa nito nakukuha ang kanyang 10-year residency na isinasaad ng Constitution para sa isang presidential candidate.
“That kind of evidence, statements or admission against one’s own interest, that’s a very good evidence against a person. In other words, parang umamin ka o nagsabi ka ng isang bagay na kino-contradict ‘yung sinasabi mo ngayon,” ani Vistan.
Binigyan diin pa ng tatlong legal experts na kailangan ni Poe na maglabas ng bagong ebidensiya upang makumbinse ang Comelec en banc upang mabaligtad ang desisyon.
- Latest