PNoy kumpiyansa sa rating ni Mar
MANILA, Philippines – Kahit patuloy ang paninira sa manok ni Pangulong Aquino na si Mar Roxas, kumpiyansa ito na hindi titigil sa pagtaas ng rating ni Roxas sa mga survey. Sa kabila rin ito ng batikos ng mga kalaban at kritiko ng Daang Matuwid ni Aquino na mahina ang kanyang piniling kandidato. “Number 2 na siya,” pahayag ni PNoy.
“It depends on your outlook,” sabi ni PNoy. “Di ba dati 4 na puntos lang? Ngayon, 20 na. Times 5 ang tinalon niya,” depensa nito kay Roxas.
Sa pananaw ni Aquino ay tabla na sa survey si Roxas at kalaban na si Bise Presidente Jejomar Binay.
Una nitong taon ay nasa 4% ang ratings ni Roxas, ngunit tumalon ito sa 20% pagkatapos iendorso ni PNoy bilang tagapagpatuloy ng Daang Matuwid.
Sa unang beses sa ating kasaysayan ay may isang partido sa halalan na nagtutulak ng pagpapatuloy ng plataporma ng isang administrasyon at hindi nakabase sa personalidad lamang. “Hindi ba ang theme ng kampanya namin, ‘ituloy ang daang matuwid,’” sabi ni PNoy. “Gagawing very apparent sa lahat ng Pilipino, ano ba ang daang matuwid? Ano ba ang napakinabangan ng taong Pilipino dito sa daang matuwid na ito?” kuwento niya.
- Latest