P1.7-B infra projects inaksyunan sa Maynila

MANILA, Philippines – Ipinahayag kahapon ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na naka­pagtiyak sila ng P1.7 Bilyon na infrastructure projects mula sa Department of Public Works and Highways para sa mga programa ng lungsod partikular na ang paglutas sa may ilang dekada nang problema sa pagbaha sa Lungsod ng Maynila na tinagurian pa namang ‘Capital City’ ng bansa.

Batay sa pahayag ni  Estrada, nakipagkoordinasyon na sila sa tanggapan ni  DPWH Secretary Rogelio Singson at nakakuha sila ng infrastructure projects na nagkakahalaga ng  P1,742,775,286.46. Ang halagang P1,086,057,000 ay gagamitin para sa “flood control and drainage system” projects.

Ayon naman kay city engineer Roberto Bernardo, talagang tinututukan ni  Estrada ang pagresolba sa mga baha sa Maynila at siniguro niya na hindi tatantanan ang pakikipagkoordinasyon sa tanggapan ng DPWH kaugnay ng mga proyekto para rito.

 

Show comments