Kabataan aprub sa Mar-Leni tandem

MANILA, Philippines – Dinagsa ng lampas 3,000 kabataan mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang pagtitipon ng Yo MarLeni! o Youth for Mar Leni sa KIA Theater sa Cubao, lungsod Quezon noong nakaraang Sabado.

Tinaguriang #DaangMatuwidPaMore Youth Conference ang nasabing event. Ang Youth for Mar and Leni ay isang koalisyon ng mga organisasyong binubuo ng mga kabataang sumusuporta sa good governance at Daang Matuwid na sinimulan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sina Mar Roxas at Leni Robredo ang mga pambato ni Aquino sa darating na halalan para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.

Bukod sa tagisan ng talento sa pagsayaw at pagkanta, nagsalita sa entablado ang mga lider ng mga orga­nisasyon ng kabataan na bumubuo sa koalisyon. Tinalakay ang mga paksang may kinalaman sa sektor ng kabataan, tulad ng edukasyon, trabaho, hinaing ng mga Overseas Filipino Worker at ang estado ng internet sa bansa.

Nagpakita rin dito ng video message ang popular na love team na KathNiel o si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sinagot ng dalawa ang tanong na “Bakit si Mar?” ang kanilang napusuang suportahan sa eleksyon at nabanggit ng dalawa ang pangangailangang marangal at matino ang pangulo ng bansa upang maipagpatuloy ang pagunlad.

 

Show comments