^

Bansa

APEC gamitin para isulong ang human capital development- solon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pasig Rep. Roman Romulo ang Pilipinas na gamitin ang APEC para isulong ang human capital development.

Ito ay para magawa umano ng mga Pilipino na makipagsabayan sa international labor market.

Partikular na tinukoy ni Romulo ang mga kasunduan sa pagsasanay at teknolohiya.

Binanggit din ng kongresista ang cross border education at inter-university collaboration sa science and technology.

Gayundin ang pagpapalawak ng employment, pagpapatupad ng mga polisiya na pabor sa paglikha ng mga trabaho, pagpapalakas ng human resources development, vocational skills development, skills training para sa mga kabataan at partisipasyon ng mga kababaihan sa ekonomiya.

Sabi ng kongresista, ngayong tapos na ang APEC at malaki ang naging puhunan dito ng Pilipinas kaya panahon nang anihin naman ang mga benepisyo dito para sa mga tao at ibahagi sa mundo kung anong meron ang Pilipinas at mga Pilipino.

ANG

BINANGGIT

GAYUNDIN

HINIKAYAT

ITO

MGA

PARTIKULAR

PASIG REP

PILIPINAS

PILIPINO

ROMAN ROMULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with