MANILA, Philippines – Inatasan ni Education Secretary Armin Luistro ang lahat ng paaralan sa Metro Manila na magdaos ng make-up classes pagkatapos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Maynila.
Ito’y upang mabawi ng mga mag-aaral ang apat na araw na hindi sila pumasok matapos na ideklarang holiday ang APEC week.
Ipinauubaya naman ni Luistro sa mga school superintendents ang schedule nang idaraos nilang make-up classes.
Matatandaang ang holiday ay nagsimula ng Nobyembre 17 hanggang 20.
Gayunman, may ilang paaralan ang hindi na rin pinapasok ang kanilang mga estudyante at mga guro simula pa Nobyembre 16 upang maiiwas ang mga ito sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil na rin sa pagsasarado ng ilang kalsada sa bansa bunsod ng APEC.
Bawat paaralan ay nire-require na magdaos ng 201 days of classes kada academic year.