MANILA, Phiippines – Nasa bansa na si Chinese President Xi Jinping ngayong Martes para sa Asia-Pacific Economic Cooperation summit.
Sinalubong nina Finance Secretary Purisima at Philippine ambassador to China Erlinda Basilio si Xi.
Naroon din si Hong Kong Chief Executive CY Leung na naunang dumating kahapon.
BASAHIN: US President Barack Obama nasa Pinas na
Nakatakdang magsalita si Xi bukas sa 11th session ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit sa Makati Shangri-la/
Nauna nang sinabi ng gobyerno ng Pilipinas at China na hindi pag-uusapan ni Xi at Pangulong Benigno Aquino III ang tungkol sa agawan ng teritoryo.