Pinas, Chile lumagda sa kasunduan

Si Pangulong Noynoy Aquino kasama si Chilean Presidente Michelle Bachelet sa isinagawang arrival of honor sa Malacañang Palace  kahapon. (Kuha ni Kriz John Rosales)

MANILA, Philippines - Dalawang kasunduan ang nilagdaan kahapon ng Pilipinas at Chile ukol sa free trade at disaster risk reduction management. 

Nasa bansa para sa 2-araw na state visit si Chilean President Michelle Bachelet at nakatakdang dumalo rin sa 23rdAsia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit mula Nov. 17-19 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Sinaksihan kahapon nina Pangulong Aquino at President Bachelet ang letter on intent on joint study for free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at Chile gayundin ang Memorandum of Understanding on Disaster Risk Reduction Management bukod sa expanded bilateral agreement sa pagitan ng 2 lider sa larangan ng investment, mining, edukasyon at agrikultura.

Pinagkalooban din ni PNoy ang bumibisitang Chile president ng state luncheon sa Rizal Hall ng Malacañang. Mananatili sa bansa si President Bachelet upang dumalo sa APEC summit.

 

Show comments