^

Bansa

‘Tanim-bala’ probe sisimulan ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iimbitahan ni Sen. Sergio Osmeña III, acting chairman ng Senate committee on public services ang mga naging biktima ng laglag-bala scam sa gagawing pagdinig ng komite bukas.

Bukod sa imbitasyong ipapadaan sa mga biktima, kukunin din ng komite ang report ng National Bureau of Investigation (NBI)  tungkol sa sinasabing scam sa NAIA.

Nasa isang dosena na aniya ang mga biktimang nare-release matapos maglagak ng piyansa.

Sinabi pa ni Osmeña na ilalagay nila sa record ang testimonya ng mga biktima ng laglag-bala na ang iba ay mga OFWs.

Naniniwala rin umano si Osmeña na may sindikato sa NAIA lalo pa’t 14 kaso lamang ang napaulat noong 2014 na tumaas at naging 115 ngayong 2015. 

Kabilang din sa mga iimbitahan ang mga opis­yal ng paliparan at ma­ging si DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya.

ACIRC

ANG

ATILDE

BUKOD

IIMBITAHAN

JOSEPH EMILIO ABAYA

KABILANG

MGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OSME

SERGIO OSME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with