Bagyo na tatama sa last quarter ng taon, magiging malakas
MANILA, Philippines - Magiging malakas ang pag-ulan na mararanasan sa bansa oras na pumasok ang bagyo sa huling quarter ng taon na may el niño.
Ayon kay Jorie Lois, climatologist ng PagAsa, isa hanggang dalawang bagyo ang maaaring pumasok sa bansa ngayong Nobyembre.
“Kalimitan kase base sa napag-aralan ng ating mga climatologist ang mga bagyo na papasok sa huling quarter ng taon at sa last quarter na nakakaranas ng el niño phenomenon ay magiging malakas,” pahayag ni Lois.
Oras anya na pumasok ang unang bagyo ngayong Nobyembre na ika 13 bagyo sa bansa ay tatawaging Marilyn.
Ngayong Nobyembre ay nasa 148.8 mm ang inaasahang ulan na may maximum temperature na 31.4 degrees celcius o slightly warm condition dahil sa el niño.
Sinabi ni Lois na natural lamang ang ulan na naranasan kahapon sa Metro Manila na epekto ng convergence zone o ang nagsama-samang hangin sa may Bicol area.
- Latest