MANILA, Philippines – Binigyan pa ng 10 araw ng Commission on Elections law department si Senador Grace Poe upang isumite ang kanyang counter-affidavit bilang tugon sa disqualification case na inihain ng natalong 2013 senatorial candidate na si Rizalito David. Ayon kay Atty. George Garcia, legal counsel ni Poe, nagbigay ng ‘oral order’ ang hearing official ng Comelec’s law department kung saan pinapayagan pa ang senadora na makapagsumite ng kanyang counter-affidavit sa loob ng 10 araw.