DQ ikinagulat ni Pacman
MANILA, Philippines – Ikinagulat ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang inihaing disqualification case laban sa kanya sa Commission on Elections (Comelec) dahil sa kanyang pagiging “absenero.”
Si Pacquiao ay deklaradong tatakbo sa 2016 senatorial elections sa ilalim ng United Nationalist Alliance o UNA.
Subalit ayon kay Pacquiao, kokonsultahin muna niya ang kanyang mga abogado tungkol sa kaso, na nagpapadeklara rin sa kanya bilang nuisance candidate.
Tiwala naman ang kongresista na marami pa rin siyang supporters na naniniwala na walang basehan ang reklamo.
Sa reklamo ng isang Ferdinand Sevilla, ipinunto nito ang pagiging pala-absent ni Pacquiao na pumasok lamang ng pitong beses, mula sa 70 session days.
Ayon pa kay Sevilla, hindi nabigyan ng maayos na representasyon ni Pacquiao ang kanyang constituents sa Sarangani dahil naging masyadong abala siya sa boxing, shooting para sa TV show nito at basketball games.
Subalit, napaulat na hindi muna i-eentertain ng Comelec ang reklamo ni Sevilla dahil bigo siyang makapagbayad ng P10,000 filing fee.
- Latest