^

Bansa

Sa pananalasa ni ‘Lando’ Sec. Dinky nangampanya para sa LP bets!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang umano’y pa­ngangampanya ni DSWD Sec. Dinky Soliman para sa mga kandidato ng Liberal Party (LP) habang nana­nalasa ang bagyong Lando sa Luzon.

Ayon kay Atty. Rico Quicho, vice presidential spokesperson for political affairs, hindi dapat gamitin ni Soliman ang DSWD at programa nito para sa pamumulitika at sa kapaka­nan ng mga kandidato sa 2016 elections.

Binigyang-diin ni Qui­cho na trabaho ng DSWD na tulungan ang mga mamamayan na biktima o naapektuhan ng ma­tinding kalamidad tulad ng pagbaha, landslide at pagkasira ng kanilang mga kabahayan.

“Imbes na tinutulungan ni Sec. Dinky Soliman ang mga kababayan nating sinalanta ni bagyong Lando e busy siya sa pagkakampanya para sa mga manok ng Liberal Party,” diin ni Quicho.

Nabatid na sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Lando nitong Sabado, nasa Koronadal, South Cotabato ng nasabi ring araw si Soliman upang dumalo sa pagtitipon ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.

Kasama ni Soliman ang mga pambato ng LP sa presidente at bise presidente na nagsalita rin sa harap ng may 5,000 recipients ng 4Ps mula Central Mindanao.

Giit ni Quicho, dapat pinangungunahan si Soliman ang pagsisikap ng pamahalaan na tulungan at mabawasan ang impact ng bagyo sa mga apektadong lugar. Siya dapat umano ang nangunguna sa frontlines para sa relief at recovery ng mga kababayang naapektuhan ni Lando.

“She is not doing that. She is instead leading the campaign of the LP bets,” dagdag ni Quicho.

ACIRC

ANG

CENTRAL MINDANAO

DINKY SOLIMAN

LANDO

LIBERAL PARTY

MGA

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

QUICHO

RICO QUICHO

SOLIMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with